Kinilabutan ako sa bilis ng pangyayari. Kausap ko lamang ang mamang iyon na nakikita ko sa telebisyon. Eksakto ang mga detalye: kulay ng damit, tsinelas...hawak nya pa ang tinapay na binigay ko sa kanya. Bigla ang pagkabog ng puso ko. May likido nang dumadaloy sa mga kamay ko...
Nakalayo na ang mga yabag. Kumikislap ang pawis sa liwanag ng buwan, Napangiti ang aninong laka-takbo ang ginagawa makalayo lamang sa lugar na iyon. May kasamang luha ang ngiting iyon, na ikinagulat ng aninong pilit nagtatago sa masikip na eskinita. Nagtagumpay siya sa nais niyang mangyari.
Maingay ang paligid. Di ko na halos marinig ang pinapanuod ko. Nasa labas ng aming bahay ang ingay na iyon, Wang-wang ng pamilyar na sasakyan. Huminto ito sa tapat ngunit di pa rin tumitigil ang pag-iingay nito. Naramdaman ko ulit ang likidong iyon...malagkit. mainit. nakapanlalamig.
Dugo.
3:28pm
Lumangpapel's note: was published after weeks of thinking over whether to finally put it in this blog.