Biyernes, Abril 29, 2011
new dwelling place soon
Di ko akalain na mawawala ka rin pala. Panaginip lang nung una. Pangarap na magkakasama naming tutuparin bilang pamilya.
Kasama ka sa lahat ng lungkot at saya. Mga pagiyak ko at pagtawa, lahat nakita mo diba? walang ngang pwedeng itago sayo, lahat ng kalokohan, alam na alam mo.
Biruin mo, 26 years, 11 months kitang nakasama and nearly 2 weeks na lang eh mawawala ka na. sabi ko naman magiging handa ako eh. pero ang hirap pala.
Pinaghirapan ng aking mga magulang makasama ka lang. Pero bigla-bigla na lang ang pagbawi ay parang wala lang. Di matatawaran ang tatag mo para lang lahat kami maging komportable sayo. Ulan, bagyo, baha, lindol, walang sinabi sa tatag mo...lahat kami nanatiling safe sa piling mo.
Wala silang ibang kilala kundi ikaw, san man dako sila galing, sayo agad ang punta. pagkatapos kaya nito, maaalala ka pa nila?
Materyales ang kulang. pinakamahirap hanapin ay ang budget para sa magiging kapalit mo. hirap mong bitawan. hirap ding harapin ang panibagong silungan. pero may magagawa ba kami?
gaya ng pagsagasa ng kung sinuman sa tatay ko. ganun din ang gagawin sayo. mga memories na kasama sa pagtibag sayo ay pagbuo naman sa panibagong memories sa magiging kasunod mo.
haay. I knew this is coming. if turning back of time is an option only for this house, I'd be much more ready to welcome the new one.
this is change. and we are changing. *sob*
eto ang bago. pero ang meron pa lang ay poso-negro
may tolda lang pero pundasyon, wala man lang
materyales na pinagkakasya at pinagdarasal na sana madagdagan pa.
sariling sikap, may masimulan lang
kung gaano kahirap mawalan, ganun din lalo ang magpatayo ng panibagong silungan
Like
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento