Linggo, Marso 25, 2012

Di mahanap ang saysay




Sa gitna ng karimlan
Liwanag ng bituin ang naging tanglaw
Ang dampi ng hangin
Ay may banayad na paggalaw

Musika sa pandinig ang panaghoy ng dahon
Kay inam sa mata ang galaw ng alon
Sa buhangin kung saan humahampas ito
Bakas ng bawat salpok ang namamataan dito

Di pa man nagtatagal
nakaramdam na ng pagkapagal
Ang hangin na kanina lamang ay banayad sa pagsayaw
Ay di na maramdaman wari’y pumanaw

Oras ay tumatakbo
Di kayang habulin ng mga anino
Yabag ay di marinig
Sa katahimikang kanina pa napunit

Hawak mo ang panulat, papel mo man ay di mahanap
Halika at iguhit mo ang nais sa hangin
Hayaan mong sa langit ito ay tangayin
O kaya naman ay isulat mo ito sa buhangin
Sa pagdaan ng alon hayaan mong pawiin

Hindi iyon mawawala
Ito’y mananatili lamang doon
Lilipas man ang panahon
Ang naisulat at naiguhit na ay isa na lamang alaala ng kahapon


Lumangpapel

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento