Huwebes, Hunyo 06, 2013
Pagkakataon
Kanina sa gilid ng lawa sa takipsilim nadama ko ang katahimikan
Habang umiihip ang hangin na siyang yumayakap sa akin
Bagamat katabi ko siya
Pakiramdam ko ako'y mag-isa
Salamat sa kalangitan sa hangin at sa lawa
Lumbay ko'y napalitan ng kapayapaan
Alam kong ang biglang pagluha ko ay nasaksihan ng langit
Habang yakap naman ako ng malawak na tubig
At kalungkutan ko'y marahang tinangay ng hangin
Kung maaari lang na wag ng lisanin ang tila santwaryo
Ay mainam kong di nanaisin
Sapagkat sa lugar na yaon na malapit sa tubigan
Damdamin kong ito'y manapa ay may katahimikan
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento