Lunes, Oktubre 21, 2013

pangamba

naranasan mo na bang mangamba? sino ba namang hindi. wala yatang tao na hindi nakadama ng negatibong pakiramdam na ito. maliit man o malaking bagay, basta kinatakutan naten ay di na madaling mabubura sa ating mga sistema.

hindi nagiging madali para sa isang tao ang magpakapositibo kung buong buhay mo na ay dinadaig ka ng takot..phobia na nga iyon minsan. di nga ba nagsisimula sa mumunting takot na binubuo din ng ating isipan ang malalaking mga bagay na siya nating kinatatakutan.

halimbawa na lang kung takot ka sa ipis o daga o gagamba o ahas hanggang sa takot ka sa dugo o injection o operasyon

maaari ding takot ka sa mataong lugar, sa matataas na lugar o sa dilim

na minsan sa takbo ng buhay naten takot na din tayo sa sunud-sunod na karahasan, sa kahirapan, sa mga masasakit na salita, sa maramot na lipunan, maging sa buhay pag-ibig, lalo na sa kamatayan

di maitatatwa na lahat ng bagay na iyan ay kontrolado minsan ng ating isipan. na kaya tayo nakakadama ng takot o pag-aalala ay dahil sa paunti-unting pagrehistro nito sa ating isipan. kinakain nito ang ating sistema hanggang sa makikita mo na lang ang sarili mo na nalulunod na sa pangamba.

may solusyon nga ba? hindi madali pero mawawala din. hindi man kumpleto pero kayang unti-untiin. wala namang bagay na naayos ng madalian, lahat dumadaan sa tamang proseso lamang. natatakot ka bang subukan? pwede namang pag-usapan. wag ka lang madaig ng iyong kinatatakutan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento