ilang pick-up lines na ba ang binitiwan mo
ilang rosas ang pinitas at ilang tsokolate ang binili
pero anong nangyare?
may napala ka ba sa huli
sabi mo dati maghihintay ka
titiisin lahat para sa kanya
magiging mabuting tao para sa darating na araw
maipagmamalaki ka rin, mapapansin din
pero ilang "friends na lang tayo" ang nais mo pang
marinig
na sa tuwing sasambitin eh nakakatulig
kaya ang puso mong gawa sa papel noon
aba kasintigas na ng bato ngayon
musikang pang-single aba ni-relate mo lahat sa sarili
marinig mo lang pangalan niya di ka na mapakali
kakain ng mag-isa naiisip mo ang dati
inaalala kahit masakit, kahit binibiyak ang iyong dibdib
wala namang pag-asa pero puso mo'y umaasa
lilingon ba siya sa nakalipas o tuluyan nang aalpas
lahat ng effort di na napansin
lahat ng nangyari noon, wala ng dating
"kung ang mundo ay umiikot sa araw
bakit ang mundo ko sayo lang gumagalaw"
ayos na pick-up pero walang binatbat
sa sanlibo mong kalaban sa mundong pinagaagawan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento