Linggo, Nobyembre 03, 2013

....writer kuno

ilang papel na ba ang pinunit ko
mula ng makuha kong maupo
hawak ko ang panulat
di ko naman maisulat

ginugulo pa din ako ng alaala
na matagal ko nang binalewala
tila ba isang surot
malikot, pilit sumusuot

nagtimpla na ako ng kape
mga mata ko ay nanlalake
di na magawang matulog
nilisan na ng antok

kitang-kita ko pa rin ang imahe
ng nakaraang pilit winawaglit
mga sandaling ayaw kong idetalye
pero syang sumisiksik

mata koy nagngangalit
kamay koy nananakit
una sa papel na patuloy na napupunit
at sa putol na lapis na di na makaguhit

asan na nga ba ang mga ideya
tila ba hanging inilipad na
kung doon kaya ako’y sumama
may maisusulat pa kaya?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento