Huwebes, Disyembre 26, 2013

pagpapalit at pagbabago...

 ....

dingdingdingding! 

tumutunog na ang batingaw. akala ko ay kung anu lamang malakas na dagundong mula sa di kalayuan.
alas-kwatro y media pa lang ng madaling-araw pero maririnig mo na ang mga kaluskos ng mga taong paroon sa dakong malawak. tanghali na iyon. marahil dapat ay alas-tres pa lang gumayak na para di na abutan agad ng haring palaging sumisikat.

huling umaga ng misa de gallo. ramdam na agad ang papalapit na pagpapalit ng taon. marami sa ilan ay napapailing na lang. madami kasing delubyo ang dumaan. mga natural na pangyayare, may isinisilang, may namamatay. may karahasan, may mga kasong di nasosolusyunan. at may mga di mawari pang pangyayaring ayaw nang balikan.

pero sa mga oras na eto, tumigil na ang pagtunog ng batingaw. nais ko na uling bumulusok sa higaan para ituloy ang naunsyaming pagtulog. sabay ng pagpalahaw ng isang masiglang awitin ng pamasko. mula sa kapitbahay na di mo malaman kung sadyang masaya sa araw na eto o nais lang makasagupa muli ung huling taong humabol ng taga sa kanya. hmmm..pasko. isang linggo na lang magpapalit na ang taon. ano na nga ba ang inabot ng buhay ko sa nagdaang taon? marami. ano kaya ang masisilayan ko sa paparating na taon? mas madami.

karaniwan nang tanawin un mga nagtitinda ng lusis sa kalsada.. mula sa kinamulatan kong watusi hanggang sa naglalakihang Yolanda at Napoles na mga firecrackers, ang Bagong Taong pinoy ay klasiko pa din sa aking paningin. samu't saring pagbabawal man ang gawin ng mga lokal na pamahalaan naten, pag nasipitan lang ng kakaunting orange o pula o byolet na papel, ayos na, tuloy ang ligaya! di naman na nga kasi mawawala pa ang paputok sa buhay ng mga tao. mula noon at sa mga susunod pang henerasyon, laging meron at meron mapuputulan ng daliri, paa, braso at iba pang parte ng katawan (take your pick!) o maging buhay pa (kala kasi buy 1-take 1 ang life) ayan tuloy, kumikita ng husto un mga taga-gawa (mga hindi lehitimong taga-gawa lalo) habang madaming pamilyang umiiyak  sa pagsalubong sa bagong taon...tsk! isang sinturon ni hudas pa nga jan! 

minsan nais nating tumigil ang oras pag papalapit na ang pasko at bagong taon. yun iba nagmamadali nang magpalit ang taon kasi madaming plano para sa taong paparating. pero ako, nais kong hilahin pabalik un taon at dahan-dahanin lang ang pag-usad nito.  nung nauso nga ung mga instant-instant na bagay, aba pati buhay instant na din. instant noodles, instant baby, instagram, hahaha...mas madali nga naman...kasi lahat halos isang click na lang anjan na sa harapan (pwede bang pati bf? ahahaha). pero nakakatakot ang mga bagay na nadadaan sa madalian. karaniwan nang instant din ang paglisan. mas masarap yung pinaghihirapan, pinagtyatyagaan hanggang makamtan, hinihintay kahit tinitignan ka na ng mundo na naghihintay sa wala. mas gusto ko pa rin talaga yung pansit, yung baby pagkatapos ikasal, yung picture na hinayaan mong madevelop kasi may backup pa kung sakali man mawala yun hard copy. kahit sa bf ayoko nang nagkabunggo lang, kayo na. pwede bang mga nagbungguang puso na lang muna? :)

sa pagpapalit ng taong 2013 to 2014, hindi lang naman yun selebrasyon ang inaabangan ng lahat. kagaya ko. eto yun parte ng taon (huli at una) na talagang matutulala ako, habang kinakain ko un paborito kong tsokoleyt cake at red wine, nakatunghay lang sa papawirin na may iba't ibang fireworks display. (sosyal; mtv lang ang peg!) di nga, ganun talaga peg ko ng yearend bago ako makikihalubilo sa mga tao sa labas at sasalo sa media noche at walang katapusang family picture :( -- kulang kasi kami ng isa...

back to you. eto yung panahon na pinagbubulay-bulayan ko ang mga nangyari ng 364 days at may pagkakataon na matatawa ako, maiiyak, magiging seryoso.. mapapaisip muli. kasi sabi ko, naging mabuti ba akong tao sa loob ng 364 days? o kaya 364 din kaya na tao ang nasaktan ko? or may napangiti man lang ba ako? may nagawa man lang ba ako para sa ibang tao? tapos kakastiguhin ko un sarili ko sa mga mumunti at malalaking pagkakamaling naisip, nasabi at nagawa...at gagawan ng paraan na hindi man mawala ng tuluyan pero mabawasan para sa taong darating.  sa lahat din ng araw sa buong isang taon, bukod as birthday ko (minsan nga di pa) eto ang pinakamdramang araw, un 31st 11:59 to 1st 12:01. haha. ewan ko ba. siguro kasi literal na past na ang 2013 pag tuntong ng kamay ng orasan ng 12:01 2014 na!, at ibig sabihin isang mabilis na ulit na paglalakbay patungo sa taong dosmil-katorse ang matutunghayan sa buhay ko.

pero sa puntong iyan, hindi talaga maaalis na malapit na din ang pagtuntong ko sa ika-tatlong dekada ng buhay ko sa mundo. at yun ang inaabangan ko ng may kaba at saya. magkahalo. nakakatakot. parang paputok lang. parang regalong bubuksan...parang click lang ng camerang may film. parang post lang sa FB na di mo naman pinapansin.

gabi na.
liwanag na lang ng parol ang nakabukas.
di na pasko bukas.
ihanda na ang mga lusis, torotot at mga pampaingay.
salubungin ang bagong taon ng may bagong buhay. 

Biyernes, Disyembre 20, 2013

Pasko. At Pakiramdam

...at some point hinahanap ko ang brasuhan sa trabaho. ung tipong di ka na magkandaugaga sa ginagawa. i want a bit of pain. i want some heavy things in my shoulders. for the longest time, i have endured all those. And God has been very good to me all this time for letting me out of those burdens...pero masokista talaga ako. i live by "no pain no gain" attitude. mas masarap kasi yung gain pag ramdam mong pinaghirapan mo. but i'm not saying that it's heaven here in MS. nasanay lang talaga kasi ako na the heavier the load, the better.


in this season of Christmas, the more na ramdam ko how i wanted the company of my former colleagues. but the people here in MS mababait talaga at professional. haha. i'm not giving you reasons to raise your eyebrows but the difference is, here i'm more relaxed. hinahanap-hanap ko lang talaga yun dami ng tao na kahit haggard na gawa ng panget na sistema eh all smiles pa din.


sa kawalan ng ginagawa sa araw na ito (bakasyon na kasi ng mga solicitors namen) napasulat tuloy ako.


ang saya din nung kahit gaano kaliit un sweldo, nakakabili ka ng regalo para sa mga kasama mo sa trabaho, sa mga kaibigan mo, pamilya at sandamukal na mga inaanak. haha. ang pinagkaiba, lumaki nga ang sweldo pero lumaki din ang expenses. whew! the mere reason why i still love living in rural areas kasi di maluho mga tao. haha. kahit naman noon pa, i'm not used to extravagant living. dinadaan ko na lang sa pagkain. tapos kung kelan napalapit ako sa mga importanteng tao sa buhay ko noon hanggang ngayon, parang lalo naman ako nawalan ng sigla. haha. ewan ko ba. hinahanap ko lang din siguro un comfort na hindi stressful ung environment. i may say na hindi stressful ang workplace ko (one thing I am thankful for) pero dun sa pinanggalingan ko, we truly formed a bond na may tawanan, iyakan, seryosong bagay, at tawanan ulit. haha. simpleng fishball lang at samalamig dun, keri na. dito, kada ikot mo gastos. kada lingon mo, gastos. haha. kung pwede ko lang dalhin sa laguna ang MS...para almost perfect na ang sistema. :)


i have loved the life of being a simple lady in laguna. kahit na may mga pagkakataon na hinahanap-hanap ko ang ingay ng kalsada at ang ilaw ng manila, mas love ko pa din ang peaceful surrounding at friendly neighborhood sa tinirhan kong lugar ng 1 taon mahigit. inakala ko kasi na sa pagbabalik ko sa manila, matatagpuan ko ulit ang sarili ko sa mga taong mahabang panahon ko din nakasama. i guess wala talaga sa tagal yan. kasi ung mga taong saglit ko lang nakadaupang-palad sa probinsiyang siyudad eh mas sinasalamin yung brighter side ko. ;) dito kasi, bilang ko lang talaga sa daliri ko un mga taong kilala ako kahit walang pera, un hindi nageexpect ng extravagance saken, nevertheless mahal pa din ako. nakakatawang isipin. gusto ko pa din yun mga simpleng taong nakilala ko sa laguna. mga hindi judgmental kahit kakikilala pa lang saken. ung mga totoong tao na hindi ka dadaanin sa mga discreet conversation at titirahin ka ng pailalim.


haay.. senti na naman ang pasko. at wala pa akong nabibiling matinong regalo. kung pwede lang na isang matamis na pagbati na lang. pero gift-giving nga diba. i might actually have wrapped myself up and try ko lang kung may tatanggap. aahahaha.


lekat! yan ang hirap ng walang ginagawa. sabog-sabog na sa ideya, makapagsulat lang talaga. pero one thing i am sure of...i am grateful for the chance of knowing and experiencing both sides., of being grace under fire and being a chillax babe..somehow nalalaman ko din kung what's missing and what i've been holding, what i'm letting off my life and what i'm trying to live with.


pasko na. may regalo ka na ba. ako wala pa. tara. magbalot na tayo. gaya ng dati. nung uso pa ang kendi na isasabit sa christmas tree.


saya lang. non-sense. nuff said.

Biyernes, Disyembre 13, 2013

...life as we complicate it


I don't believe that when things go wrong, it is this world or this life that is being harsh as we experience pain and cruelty. It dawned to me (and I think always) that we are the culprit of our own sufferings. For the bad decisions we made. For the things we don't consult to people who are most knowledgeable and most experienced than us. Sometimes, it does not hurt if we are to ask, if we are to accept some facts about handling life, if we are to go seek for advice. When things go wrong, we may be unfair with life giving all the blame to it when all it can do is for us to discover how beautiful life is just as simple as living it.

We are being masochist. We try to do things that we know from the start would hurt us yet we pursue those things. When we decide things out of the right ones, we tend to ignore the consequences and then when it hit us right through, we couldn't back out. We cry, we suffer, but we do not stop from there. We accompany that with words like "experience is the best teacher" but what if we don't have to experience it but learn from people who have been through that kind of situation? We want to test the water. And we end up drowning ourselves to the darkest part of pain. We want to learn as we bruised, as we were wounded. We endured scars, we wanted to have marks shown all over us for us to qualify as the most experienced person on earth when in fact we don't need to...

Living this life with the most numbers of pain does not guarantee us a noble prize award nor a plaque of appreciation. Sometimes, some people who showed their cruelty to others, tend to equal our pain with criticisms that would make or break us as a person. More so, we slipped by their words and then we fall apart. Then we have bandages all over ourselves.

After a while, as years passed by, we became numb; not giving the slightest trust to people who genuinely cares for us. We ignore the good things and still dwell from past hurts. We live by the mistakes we did, in a negative way. We show the world how hurt we are that we don't appreciate the goodness beyond every dark past. We acknowledged the truth of hurtful feelings and not moving forward. Then we all blame life and then we doubt its offer of hope for us.

I am not new to this phase. I am for the longest time have been blaming the negativity life is bringing me, then after years of contemplating why things happened, pointed at myself for being the foremost responsible of complicating my life. I fell, I stood up. Then fell and stood up again. It became a circular motion, without ending, as if enjoying this circus. But the more it made me hurt, the more I became stronger. I'm in denial. I showed the world I'm strong enough to face trials, but end up weaker, crying in that same corner. I realized I needed someone. I realized I needed the One who will understand. I realized that in every painful decisions I made that hurt me so badly, all I need is to forgive myself first for committing these cruelties and forgiving the people who I allowed to take over me.

It is then my responsibility to take things to a different level. As I forgive, I move forward. It is hard to do. No one says life will be easy. But it is in our hands to make it possible. While to some it may be true that we learn from our own mistakes; to me, I understand that we do not have to make to learn. Hard-headed we may be but this is true: We don't have to go the painful process. We ought to make our own path and not follow their footprints. We were allowed for many times in our life to make mistakes but we also can do something to lessen it, if we cannot avoid it.

Life's simplicity is not far from reality when we allow it to. It is not easy nor hard. It depends on how we deal with it. When we complicate things and we do it whole-heartedly, we reap it. We have choices. We can decide. We are to make things happen. 


It is in our hands, by the way.