....
dingdingdingding!
tumutunog na ang batingaw. akala ko ay kung anu lamang malakas na dagundong mula sa di kalayuan.
alas-kwatro y media pa lang ng madaling-araw pero maririnig mo na ang mga kaluskos ng mga taong paroon sa dakong malawak. tanghali na iyon. marahil dapat ay alas-tres pa lang gumayak na para di na abutan agad ng haring palaging sumisikat.
huling umaga ng misa de gallo. ramdam na agad ang papalapit na pagpapalit ng taon. marami sa ilan ay napapailing na lang. madami kasing delubyo ang dumaan. mga natural na pangyayare, may isinisilang, may namamatay. may karahasan, may mga kasong di nasosolusyunan. at may mga di mawari pang pangyayaring ayaw nang balikan.
pero sa mga oras na eto, tumigil na ang pagtunog ng batingaw. nais ko na uling bumulusok sa higaan para ituloy ang naunsyaming pagtulog. sabay ng pagpalahaw ng isang masiglang awitin ng pamasko. mula sa kapitbahay na di mo malaman kung sadyang masaya sa araw na eto o nais lang makasagupa muli ung huling taong humabol ng taga sa kanya. hmmm..pasko. isang linggo na lang magpapalit na ang taon. ano na nga ba ang inabot ng buhay ko sa nagdaang taon? marami. ano kaya ang masisilayan ko sa paparating na taon? mas madami.
karaniwan nang tanawin un mga nagtitinda ng lusis sa kalsada.. mula sa kinamulatan kong watusi hanggang sa naglalakihang Yolanda at Napoles na mga firecrackers, ang Bagong Taong pinoy ay klasiko pa din sa aking paningin. samu't saring pagbabawal man ang gawin ng mga lokal na pamahalaan naten, pag nasipitan lang ng kakaunting orange o pula o byolet na papel, ayos na, tuloy ang ligaya! di naman na nga kasi mawawala pa ang paputok sa buhay ng mga tao. mula noon at sa mga susunod pang henerasyon, laging meron at meron mapuputulan ng daliri, paa, braso at iba pang parte ng katawan (take your pick!) o maging buhay pa (kala kasi buy 1-take 1 ang life) ayan tuloy, kumikita ng husto un mga taga-gawa (mga hindi lehitimong taga-gawa lalo) habang madaming pamilyang umiiyak sa pagsalubong sa bagong taon...tsk! isang sinturon ni hudas pa nga jan!
minsan nais nating tumigil ang oras pag papalapit na ang pasko at bagong taon. yun iba nagmamadali nang magpalit ang taon kasi madaming plano para sa taong paparating. pero ako, nais kong hilahin pabalik un taon at dahan-dahanin lang ang pag-usad nito. nung nauso nga ung mga instant-instant na bagay, aba pati buhay instant na din. instant noodles, instant baby, instagram, hahaha...mas madali nga naman...kasi lahat halos isang click na lang anjan na sa harapan (pwede bang pati bf? ahahaha). pero nakakatakot ang mga bagay na nadadaan sa madalian. karaniwan nang instant din ang paglisan. mas masarap yung pinaghihirapan, pinagtyatyagaan hanggang makamtan, hinihintay kahit tinitignan ka na ng mundo na naghihintay sa wala. mas gusto ko pa rin talaga yung pansit, yung baby pagkatapos ikasal, yung picture na hinayaan mong madevelop kasi may backup pa kung sakali man mawala yun hard copy. kahit sa bf ayoko nang nagkabunggo lang, kayo na. pwede bang mga nagbungguang puso na lang muna? :)
sa pagpapalit ng taong 2013 to 2014, hindi lang naman yun selebrasyon ang inaabangan ng lahat. kagaya ko. eto yun parte ng taon (huli at una) na talagang matutulala ako, habang kinakain ko un paborito kong tsokoleyt cake at red wine, nakatunghay lang sa papawirin na may iba't ibang fireworks display. (sosyal; mtv lang ang peg!) di nga, ganun talaga peg ko ng yearend bago ako makikihalubilo sa mga tao sa labas at sasalo sa media noche at walang katapusang family picture :( -- kulang kasi kami ng isa...
back to you. eto yung panahon na pinagbubulay-bulayan ko ang mga nangyari ng 364 days at may pagkakataon na matatawa ako, maiiyak, magiging seryoso.. mapapaisip muli. kasi sabi ko, naging mabuti ba akong tao sa loob ng 364 days? o kaya 364 din kaya na tao ang nasaktan ko? or may napangiti man lang ba ako? may nagawa man lang ba ako para sa ibang tao? tapos kakastiguhin ko un sarili ko sa mga mumunti at malalaking pagkakamaling naisip, nasabi at nagawa...at gagawan ng paraan na hindi man mawala ng tuluyan pero mabawasan para sa taong darating. sa lahat din ng araw sa buong isang taon, bukod as birthday ko (minsan nga di pa) eto ang pinakamdramang araw, un 31st 11:59 to 1st 12:01. haha. ewan ko ba. siguro kasi literal na past na ang 2013 pag tuntong ng kamay ng orasan ng 12:01 2014 na!, at ibig sabihin isang mabilis na ulit na paglalakbay patungo sa taong dosmil-katorse ang matutunghayan sa buhay ko.
pero sa puntong iyan, hindi talaga maaalis na malapit na din ang pagtuntong ko sa ika-tatlong dekada ng buhay ko sa mundo. at yun ang inaabangan ko ng may kaba at saya. magkahalo. nakakatakot. parang paputok lang. parang regalong bubuksan...parang click lang ng camerang may film. parang post lang sa FB na di mo naman pinapansin.
gabi na.
liwanag na lang ng parol ang nakabukas.
di na pasko bukas.
ihanda na ang mga lusis, torotot at mga pampaingay.
salubungin ang bagong taon ng may bagong buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento