Biyernes, Disyembre 20, 2013

Pasko. At Pakiramdam

...at some point hinahanap ko ang brasuhan sa trabaho. ung tipong di ka na magkandaugaga sa ginagawa. i want a bit of pain. i want some heavy things in my shoulders. for the longest time, i have endured all those. And God has been very good to me all this time for letting me out of those burdens...pero masokista talaga ako. i live by "no pain no gain" attitude. mas masarap kasi yung gain pag ramdam mong pinaghirapan mo. but i'm not saying that it's heaven here in MS. nasanay lang talaga kasi ako na the heavier the load, the better.


in this season of Christmas, the more na ramdam ko how i wanted the company of my former colleagues. but the people here in MS mababait talaga at professional. haha. i'm not giving you reasons to raise your eyebrows but the difference is, here i'm more relaxed. hinahanap-hanap ko lang talaga yun dami ng tao na kahit haggard na gawa ng panget na sistema eh all smiles pa din.


sa kawalan ng ginagawa sa araw na ito (bakasyon na kasi ng mga solicitors namen) napasulat tuloy ako.


ang saya din nung kahit gaano kaliit un sweldo, nakakabili ka ng regalo para sa mga kasama mo sa trabaho, sa mga kaibigan mo, pamilya at sandamukal na mga inaanak. haha. ang pinagkaiba, lumaki nga ang sweldo pero lumaki din ang expenses. whew! the mere reason why i still love living in rural areas kasi di maluho mga tao. haha. kahit naman noon pa, i'm not used to extravagant living. dinadaan ko na lang sa pagkain. tapos kung kelan napalapit ako sa mga importanteng tao sa buhay ko noon hanggang ngayon, parang lalo naman ako nawalan ng sigla. haha. ewan ko ba. hinahanap ko lang din siguro un comfort na hindi stressful ung environment. i may say na hindi stressful ang workplace ko (one thing I am thankful for) pero dun sa pinanggalingan ko, we truly formed a bond na may tawanan, iyakan, seryosong bagay, at tawanan ulit. haha. simpleng fishball lang at samalamig dun, keri na. dito, kada ikot mo gastos. kada lingon mo, gastos. haha. kung pwede ko lang dalhin sa laguna ang MS...para almost perfect na ang sistema. :)


i have loved the life of being a simple lady in laguna. kahit na may mga pagkakataon na hinahanap-hanap ko ang ingay ng kalsada at ang ilaw ng manila, mas love ko pa din ang peaceful surrounding at friendly neighborhood sa tinirhan kong lugar ng 1 taon mahigit. inakala ko kasi na sa pagbabalik ko sa manila, matatagpuan ko ulit ang sarili ko sa mga taong mahabang panahon ko din nakasama. i guess wala talaga sa tagal yan. kasi ung mga taong saglit ko lang nakadaupang-palad sa probinsiyang siyudad eh mas sinasalamin yung brighter side ko. ;) dito kasi, bilang ko lang talaga sa daliri ko un mga taong kilala ako kahit walang pera, un hindi nageexpect ng extravagance saken, nevertheless mahal pa din ako. nakakatawang isipin. gusto ko pa din yun mga simpleng taong nakilala ko sa laguna. mga hindi judgmental kahit kakikilala pa lang saken. ung mga totoong tao na hindi ka dadaanin sa mga discreet conversation at titirahin ka ng pailalim.


haay.. senti na naman ang pasko. at wala pa akong nabibiling matinong regalo. kung pwede lang na isang matamis na pagbati na lang. pero gift-giving nga diba. i might actually have wrapped myself up and try ko lang kung may tatanggap. aahahaha.


lekat! yan ang hirap ng walang ginagawa. sabog-sabog na sa ideya, makapagsulat lang talaga. pero one thing i am sure of...i am grateful for the chance of knowing and experiencing both sides., of being grace under fire and being a chillax babe..somehow nalalaman ko din kung what's missing and what i've been holding, what i'm letting off my life and what i'm trying to live with.


pasko na. may regalo ka na ba. ako wala pa. tara. magbalot na tayo. gaya ng dati. nung uso pa ang kendi na isasabit sa christmas tree.


saya lang. non-sense. nuff said.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento