Miyerkules, Mayo 28, 2014

...pagsulat ng wala

dati kaya ko pang magsulat ng masasayang akda…baket ngayon bigla na lang nawala

di nga ako mahilig gumawa ng tula…mas gusto ko ang mahahabang akda

pero sa paglipas ng panahon iba ang aking natutunan

maraming pangyayaring ako ang siyang tinuruan

kapag inlove ka kasi…romantika at palaging masaya

ang pagsulat ay naglalaman nang magagandang alaala

mga ngiti ay di mawala-wala

kasabay ng pagkinang ng mga mata

pero hindi naman palaging pasko

nabroken-hearted din ako

doon nagsimulang magsulat ng totoo

puro nga lang malulungkot ang laman nito

andun ung umiiyak ako habang nagsusulat

o kaya maraming papel ang nasayang at nagkalat

may oras na wala naman akong tigil 

daig ko pa ang isang baliw

nagagawa kong magsulat nang may tapang

hawak ang papel at pluma lamang

pero hinahanap ko din ang pagsulat ng may lambing

yung pusong mababa, may lambot…di mapag-daing

sa lahat ng iyon na pinagdaanan

masaasabi kong ang pagsulat ko ay may laman

bukod sa mababasa meron din matututunan

dala ng masaya at malungkot na karanasan

at ngayon nga sa yugto ng aking buhay

sa aking pagsulat minsan ako’y matamlay

di ko na nga ramdam ung sigla ng pagsulat

pati lungkot di ko na rin mahagilap

Martes, Mayo 27, 2014

:-(

..andaya mo naman e..

Di mo ba alam kung gano ako kalungkot ngayon?..

..magkasama na kayo ni dadie,.pero baket di ko magawang maging masaya..

di ko na ulit alam panu magsimula..dalawang beses na akong namatay..dalawang beses na gusto kong ibalik ang kamay ng orasan..dalawang beses na pero di ko pa rin gusto magpaalam..